Ngayong araw na ito ay ipinagdiriwang natin ang ika-isandaan at siyam na taon na
araw ng kalayaan…kaya marapat lamang na magbigay ako ng maliit na espasyo para sa usapin ng kalayaan at araw na ito.
Maraming nagsasabi na unti-unti nang nakakalimutan ng mga kabataan ang tunay na kahulugan at kahalagahan ng kalayaan
Marahil ay tama sila
Sa panahon ngayon, marahil nga limot na rin
Kung ako ang tatanungin kung malaya ba ako, ang isasagot ko OO kung ang kalayaang nakapaloob dito ay ang konsepto ko ng kalayaan
Ang kalayaan para sa akin ay kalayaang makapamili ng gusto ko, kalayaang mag-isip at mabuhay.
Nakukuha ko naman lahat ito, kaya malaya ako.
Siguro utang na loob ko rin sa mga katipunero ang kalayaang natatamasa ko
Pero utang ko talaga ito sa mga magulang ko
Sila ng nagbigay sa akin ng kalayaan
Kaakibat ito ng aking mga karapatan …na laging tangan ang responsibilidad.
Ang paglaya ng bansa natin sa pananakop ng Espanya (pagpalit ng Estados Unidos, bansang Hapon) ay hindi nangangahulugan ng tuluyan nating paglaya pagkat tayo ngayon ay alipin ng sarili natin.
Kasakiman
Kahirapan
Ang tunay na paglaya ay nasa ating mga sarili, tayo ang nagtatakda ng kahulugan ng bawat salita
Nagpupunla ng bawat konsepto
Alam kong may pag-asa.
Hindi natin kailangan ng madugong rebolusyon
Sa palagay ko nag-aantay lang tayo ng bagong Rizal o Aquino na gigising sa kamalayan ng batang Pilipino
Sana dumating s’ya sa anyo ng bawat Pilipino
No comments:
Post a Comment