So eto na.
April 19 & 20 2008 Outing ng taga-Opisina (nangungunang intelligence at risk consultancy agency --- ang mag react taga- F A D V) sa Casa San Pa.B.Lo (basahin ng walang hinto SAN PABLO – iniiwasan ko lang na mahanap Blog ko sa Google) sa Laguna.
Wala si Juno dahil sa Klase sa French Class, si Anna dahil sa nagbabadyang hika.
So ayun nga sa ibang post ko nalang iku-kwento kawawa si Juno.
Balik sa post na Eh Anong Pakialam Ko.
Ukay Ukay
Used clothing
Baguio city branch
Wala namang masama sa karatulang yan… kung nasa Baguio ka pero nakita ko yan sa hi-way ng Calamba, Laguna. No stir! Kanina lang yan, mga 5 pm…umandar lang yung bus kaya di ko na-picturan (bagal ni sir andy!!!!)
Eh keber ko ba? ,alay mo rin naman pa-epek lng ng may-ari yan para maipaalam na authentic na galling Baguio yung Ukay Ukay…pati Sign Board nila…saan ka pa?
Paano nga ba natutulog yung isda? Paano sila pumipikit? O kung pumipikit ba sila? Naisip ko yan habang nasa Laguna kami (outing)… may pond kasi dun. Floating restaurant type, may mini-villa dun. Pagkatapos ko mag-isip kung paano matulog ang isda o kung paano sila pumikit kung pumipikit man sila (na dinamay ko pa yung madlang public –sina Sir Jon, Jeff (A), Arlene, Arnie, Sherwin, Jill, Maribeth at marami pang iba (na nakalimutan ko na) ay kumain naman ako ng Tilapia. Masarap gawin yun.
Bakit nga ba yung pangalan ng isang school sa Laguna ay may Pangalang Saints J.Ohn and Paul Col.lege (basahin ng walang tuldok)
Theoryang kopong kopong nina beth at andy
1. Saint John Col.lege talaga dapat yun, kaya lang pagdating sa SEC kung saan ka mag reregister ng business/enterprise name eh nalaman nila na may nauna na
2. Paul.inian yung babaeng may ari
3. Yung babaeng may-ari, asawa nung lalaking may-ari
4. Pagdating sa SEC, madalian na lang ito….
5. In commemoration sa patron saint ng eskwelahan ng babae, nakuha si Paul
Thus the birth of Saints Jo.HN. and Pa.U.L. College.
Eto ang nagagawa ng taong hyperactive, na nag-si-sing along sa BUS kahit s’ya na lamang mag isa ang maingay dahil pakiramdam nya may hang-over pa sya sa Sing-along nung nakaraang gabi.
Paalala: wag pagsabaying ang 4 na oras na tulog at dalawang baso ng hot chocolate (gawa sa tablea ata yun) na may pinipig twist.
No comments:
Post a Comment